CJ Peralta, dumalo sa unang pagka-kataon sa flag raising ceremony sa Korte Suprema bilang punong mahistrado

Dumalo sa kanyang unang flag raising ceremony bilang ika-26 na Punong Mahistrado ng Korte Suprema si Chief Justice Justice Diosdado Peralta.

Sinimulan ang seremonya sa pama-magitan ng panalangin na sinundan na ng flag raising ceremony kasama ang iba pang mga mahistrado ng SC at ang mga empleyado ng Kataas-taasang hukuman.

Present din kanina ang may bahay ni Chief Justice na si Court of Appeals Associate Justice Fernanda Peralta.


I-nilatag ni Chief Justice ang kanyang 10 point program sa kanyang dalawa at kalahating taong magiging panu-nungkulang bilang Punong Mahistrado.

Una sa prayoridad ni CJ Peralta ang pagresolba sa mga backlog ng mga kaso sa Supreme Court gayundin ang pagpa-patupad o pag-likha ng Judicial Integrity Board at ang pagla-lagay ng 24-7 na helpdesk sa opisina ng Chief Justice.

Kasabay nito, umapela ng suporta si CJ Peralta sa kanyang mga kasama sa SC.

Facebook Comments