PNP walang namo-monitor na terrorist threat sa pag-gunita ng undas

Nanatiling payapa ang buong bansa at walang namo-monitor na terrorist threat para sa pag-gunita ng undas.

Ito ang sinabi ni PNP Officer In Charge Lt Gen Archie Gamboa.

Aniya nakasaad sa inisyu niyang general guidelines para  sa lahat ng regional director na dapat silang magsagawa  ng security assessement sa kanilang area of responsibility.


Ipauubaya niya raw sa mga regional directors ang paged-desisyon sa pagda-dagdag ng mga tauhan para i-deploy ngayong undas.

Simula ngayon araw ay naka full alert na ang buong Philippine National Police at nakadeploy na ang 35,000 na mga pulis.

Magiging katuwang nila sa pagba-bantay sa mga mata-taong lugar ngayong undas ang 99,000 na mga force multipliers.

Facebook Comments