LAOAG CITY – Personal na bumisita si Chief Justice Diosdado Peralta sa kapitolyo ng Ilocos Norte upang dumalo sa ground-breaking ng makabagong Hall of Justice sa lungsod ng Laoag kasama si Governor Matthew Marcos Manotoc.
Kasama ng punong mahistrado ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang kabiyak na si Associate Judge Fernanda Peralta ng Court of Appeals, Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez at Deputy Supreme Court Administrator Raul Villanueva.
Ayun kay CJ Peralta, ang itatayong gusali sa Laoag ay magiging isa sa pinakamalaki at magarbong hall of justice sa buong bansa dahil ayun sa kanya, dito ang kanyang tahanan at nararapat lang na maganda ito.
Natanung naman kay Peralta ang kanyang maagang pagretiro. Ayun sa kanya kailangan na niyang magpahinga muna at marami narin siyang nagawa, may hinihintay daw lamang siya sa kogreso upang tuloyan na itong magretiro ngunit hindi naman nabanggit ang nasabing rason. Miss na miss narin daw niya ang mga pagkaing Ilocano gaya na lamng ng loongganisa, bagnet at iba pa.
Ayun pa kay CJ Peralta, tapos na niyang inayos ang Internal Rules ng Korte Suprema, Judicial Integrity Board, Chief Justice Complaint Desk, e-warrant, e-filing, e-payment at iba pa para sa ikabubuti ng kataas-taasang hukuman.
Samantala, natanong naman ito ,tungkol sa Election Protest ni dating Senador Bongbong Marcos ngunit tumangging magbigay ng pahayag at ayun sa kanya na umuusad naman ang nasabing kaso. – # Bernard Ver, RMN News