CJ POST | CJ Bersamin, humingi ng ilang araw para mailatag ang kanyang mga gagawing hakbang sa SC

29

Manila, Philippines – Humingi ng ilang araw si bagong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin para mailatag ang kaniyang mga susunod na hakbang matapos maitalagang sa pwesto.

Kasabay nito, humingi rin si Bersamin ng pasensya sa kaniyang pagkukulang sa kaniyang tungkulin.

Pero pagtitiyak niya na magiging patas, legal at valid ang anumang ilalabas na ruling ng Korte Suprema.

Kasabay nito, nangako si Bersamin na aayusin ang mga problema sa hudikatura.

Uunahin aniya niya ang pagtugon sa mga mababang korte gayundin ang nasa mga malalayong lugar.

Nakatakda magretiro si Bersamin matapos ang 11 buwan dahil din sa mandatory retirement age.

Facebook Comments