KUMPIRMADO! | PRRD, may napili nang susunod na AFP Chief

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Lorenzana, ayaw niyang pangunahan ang Pangulo pero galing sa Philippine Army ang sunod na AFP Chief of Staff.

Aniya, makakabuting hintayin na lang ang opisyal na anunsyo ng Malacañang hinggil rito.


Mababatid na sa December 12 ay nakatakdang magretiro si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez sa mandatory retirement age na 56.

Facebook Comments