CJ POST | Dahilan ng pagpili kay Judge Lucas Bersamin, ayaw pang sabihin ni PRRD

Hindi binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit pinili niya si Judge Lucas Bersamin bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Si Bersamin ay ikatlo sa pinaka-senior high court justice na kabilang sa mga pinagpilian sa shortlist.

Sa groundbreaking ceremony ng Panguil Bay Bridge (PBB) Project sa Lanao del Norte, ayon sa Pangulo – limang pangalan ang ibinigay sa kanya pero ang pinili niya ay si Bersamin.


Ipinalinawag naman ng Pangulo kung bakit hindi niya napili si Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Matatandaang tinanggihan ni Carpio na ipursige ang kandidatura sa pagka-punong mahistrado matapos mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pero inirekonsidera niya ito kasunod ng pagreretiro ni dating Chief Justice Teresita De Castro.

Sina Bersamin at Carpio ay nakatakdang magretiro sa Oktubre ng susunod na taon base na rin sa mandatory age na 70 sa lahat ng justices at judges.

Facebook Comments