CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | 8 mahistrado ng Korte Suprema, gustong humarap sa pagdinig

Manila, Philippines – Walo sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang gustong humarap sa pagdinig ng Kamara para magsalita hinggil sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nauna nang humarap sa pagdinig ay sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Tumestigo na din sa pagdinig ng komite si Court Administrator Jose Midas Marquez at si retired Justice Arturo Brion.


Ayon kay House Justice Committee Chairman Rep. Reynaldo Umali – kung matutuloy sa pagharap sa impeachment hearing ang walong kasalukukyang mahistrado ng Supreme Court ay dapat nang mag-isip-isip si Sereno.
Mangangahulugan kasi aniya ito na mayorya ng mga mahistrado ng mataas na hukuman ay gustong magsalita tungkol sa impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.
Sa Enero sa susunod na taon na muling magsasagawa ng pagdinig sa Kamara sa impeachment complaint ni CJ Sereno.

Facebook Comments