CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | Associate Justice Carpio, nakatakdang tumestigo

Manila, Philippines – Humingi si Associate Justice Antonio Carpio ng kopya ng mga isyu na tatalakayin sa kanyang pagtestigo sa impeachment hearing laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Carpio na ang mga naunang mahistrado at opisyal ng Korte Suprema na dumalo sa nasabing pagdinig ay nabigyan din ng kopya ng mga isyu na kanilang lilinawin sa pagdinig.

Maliban kay Carpio, inimbitahan din ng House Committee on Justice ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema, gayundin ng Sandiganbayan, Court of Appeals, trial court judges at iba pang opisyal at empleyado ng Hudikatura.


Una nang dumalo sa nasabing pagdinig sina Associate Justices Teresita de Castro, Noel Tijam, Francis Jardeleza at si Retired Justice Arturo Brion.

Facebook Comments