CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | Dating Senador Jinggoy, hindi naniniwalang mangyayari sa Duterte Administration ang suhulan sa mga Senador

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senador Jinggoy Estrada na malabong mangyari muli ang suhulan umano ng mga Senador sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona kung saan maraming mga senador ang sinuhulan milyon-milyong piso para lamang mapatalsik si Corona.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay ni Estrada na nalalaman na ng publiko na biktima siya ng Selective Justice noon ng nakaraang Administration dahil sa plano umano nito noon tumakbo ng mataas na posisyon sa gobyerno pero hindi naman siya nagdeklarang tatakbo pero ikinukunsidera umano niya ito.

Paliwanag ng dating Senador na tatlong buwan bago ang conviction kay dating Chief Justice Renato Corona tinanong niya noon si Senador Franklin Drilon kung saan galing ang budget na ibinigay sa mga Senador, nagulat nalamang ang lahat ng matuklasan nila na galing sa PDAF dahil wala naman umanong pondo na inilaan galing sa General Appropriation Act.


Giit ni Estrada na halos lahat ng miyembro ng Liberal Party o Dilawan ay matataas ang ibinigay na umaabot sa 100 Milyon piso pero sa kanila ay 50 milyong piso lamang.

Malabo aniya na mangyayari sa Duterte Administration ang mga suhulan sa mga Senador sa gagawing Impeachment case laban kay Sereno dahil sa character umano ni Pangulong Duterte na hindi kayang suhulan ang mga Senador dahil sa mahigpit nitong kampanya kontra korapsyon.

Facebook Comments