Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maging ang mga hukom sa mga mababang korte ay hinahangad ang pagbibitiw ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay sa harap narin ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema at ang kasong quo warranto petition laban dito na inihain ng Solicitor General.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa nakuha niyang impormasyon ay maging ang mga judges sa lower court ay ipapanawagan na umanong magbitiw si Sereno sa posisyon.
Sinabi pa ni Roque na ganito din ang saloobin ng mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema.
Matatandaan na umalma si Sereno at sinabi nitong siya ay binu-bully ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi ni Roque na hindi siya kailangang i-bully ng Pangulo dahil kahit sa Korte Suprema ay wala na siyang kakampi.