CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | Pag-angat ng ratings ng Kamara, indikasyon ng suporta ng publiko

Manila, Philippines – Kampante si House Majority Leader Rodolfo FariƱas na suportado ng publiko ang impeachment case laban kay SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos na umangat ng siyam na puntos ang net satisfaction rating ng Kamara de representantes.

Sa latest sws survey mula december 8 hanggang 16, pumalo sa +43% ang net satisfaction rating ng house of representatives.

Ayon kay FariƱas, natutuwa siya dahil ito na ang pinakamataas na naitalang ratings ng Kamara mula noong 1988.


Patunay lamang nang mataas na ratings ng kamara na suportado at satisfied ang publiko sa hakbang ng house committee on justice sa proseso ng impeachment case ni Sereno.

Indikasyon lamang din ng mataas na ratings na nagsisimula ng ma-appreciate ng taumbayan ang reporma at disiplinang ipinapatupad sa mababang kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments