PASABOG! | Granada sumabog sa Pikit, North Cotabato

North Cotabato – Isang granada ang sumabog sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Nasugatan sa pagsabog ang isang binatilyo na kinilalang si Datu Samer Esmail Guialil.

Sa report ng Pikit PNP sumabog ang granada sa tapat mismo ng bahay ng biktima.


Mahimbing umanong natutulog ang biktima kasama ang iba pang miyembro ng pamilya ng yanigin sila ng malakas na pagsabog. Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima na kaagad ding nakalabas.

Sinabi ni Police Superintended Bernard Tayong tagapagsalita ng CPPO na rido ang isa sa tinitingnang anggulo sa nasabing pagsabog.

Facebook Comments