Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang babaeng claimant ng isang parcel na naglalaman ng ecstasy mula Belgium.
Ang nasabing parcel ay naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), matapos sa initial inspection sa x-ray machine sa Central Mail Exchange Center CMEC Domestic Road sa Pasay City.
Nabatid na ang parcel ay ipinadala ni Maria Suarez, 42 at naka-consigne kay Charito Casamello, 38 years old ng Las Piñas City.
Nadiskubre ng mga tauhan ng NAIA customs at NAIA PDEA-IADITG ang laman ng parcel kung saan nakalagay ang headphones, tumbler, dresses at chopping board kasama ang 1,460 grams na ecstasy na may street value of P4,964,000
Nai-turn-over na ng NAIA Customs sa NAIA PDEA ang naturang illegal drugs para sa imbestigasyon.