100,000 plastic cards na drivers’ license, target na maipamahagi ng LTO bago matapos ang Hulyo

Puntirya ng Land Transportation Office (LTO) na makapagbigay ng 100,000 plastic card drivers’ license bago magtapos ang Hulyo.

Ito ang inihayag ni LTO-OIC Assistant Secretary Hector Villacorta.

Ito’y matapos na i-award ng DOTr ang naturang proyekto sa Banner Plastic Card Inc., na siyang contractor sa likod ng Visa debit cards ng LandBank.


Sinabi ni Villacorta na prayoridad ng LTO na mabigyan ng plastic card drivers’ license ang mga bagong aplikante.

Pinalawig kasi ang validity ng drivers’ license simula nang mapaso noong April 24.

Pagsapit ng buwan ng Oktubre kung kailan mapapaso ang extension ay magiging available na ang plastic cards at wala nang babayaran ang mga may hawak na papel na lisensya.

Nasa 100,000 plastic cards ang unang maibabagsak ng supplier.

Abot naman sa isang milyon ang maibibigay sa August 26.

Ang National Capital Region, CALABARZON region at Cebu ang unang mabibigyan ng plastic cards.

Facebook Comments