Claims ng Pilipinas sa West Philippine sea – ti niyak na hindi bibitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte…China, nagpahayag ng suporta sa binubuong framework agreement sa usapin ng code of conduct

Manila, Philippines – Binigyan diin ngayong ng Malacañang na gumagawa na ng long term strategy si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa west Philippine sea.
 
Sa media briefing ng mga Cabinet Secretaries sa Bangkok, Thailand – sinabi ni Senate Foreign Relations Committee Chair. Sen. Alan Peter na dapat lamang magtiwala ang publiko sa pangulo dahil hindi niya bibitawan ang claims ng bansa sa mga pinag-aagawang teritoryo.
 
Bagamat aminado aniya ang Pilipinas na hindi kayang pigilan ng pangulo ang China sa pagtatayo ng mga istraktura, ngunit mayroon naman itong istratehiya sa claims ng Pilipinas.
Una nang inihayag sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
 
Kapwa isinusulong ng Pilipinas at Thailand ang pagrespeto sa freedom of navigation at overflight sa South China sea dahil interes ito ng lahat ng bansa, sa loob man o labas ng rehiyon.
 
Samantala, inihayag naman ni DFA acting Sec. Enrique Manalo na nagpahayag na ng pagsuporta ang China implementasyon sa binubuong framework of the code of conduct.
 
 

Facebook Comments