
Cauayan City – Nilinaw ng DepEd Region 2 sa mga school heads na saklaw ng DepEd Order No. 22, s. 2024 ang “work in schools” tuwing may class suspension dulot ng bagyo.
Ibig sabihin, hindi lamang mga mag-aaral ang walang pasok kundi pati mga guro at non-teaching personnel, maliban kung may partikular na atas mula sa paaralan.
Muli ring pinaalalahanan ang mga guro, lalo na ang bahagi ng School Disaster Risk Reduction and Management Committee (SDRRMC), na maging handa at alerto sa paghahanda ng kanilang mga silid-aralan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Hinikayat ang lahat na sundin ang umiiral na DepEd Order at iwasan ang pagpapapasok ng guro sa panahong may suspensyon. Para sa mga katanungan o ulat, maaaring makipag-ugnayan sa DepEd Dos.
Facebook Comments









