CLASS VALEDICTORIAN SA ALAMINOS, TOP 1 SA ENGINEERING LICENSURE EXAMINATION

Bakas pa rin ang saya na nararamdaman ng mga bagong Engineers natin sa kanilang pagpasa sa katatapos lamang na Engineering Licensure Examination ngayong buwan ng Mayo.
Ang Top 1 sa nasabing exam na si Arianne Joyce A. Dameg ay tubong Alaminos City, Pangasinan.
Alumna ito ng Alaminos City National High School at Valedictorian sa class 2015. Nagtapos ito under Special Program of Science, Technology and Engineering o STE.

Nagtapos naman sa kanyang kursong BS Civil Engineering si Arianne sa University of the Philippines – Diliman bilang Magna Cum Laude. Kaya buong puso itong binati ng kanyang Alma Mater sa Alaminos na labis ang suporta at pagmamalaki sa kanya.
Tunay ngang hindi talaga pahuhuli ang galing at talino ng mga Pangasinense.| ifmGoodnews
Facebook Comments