Manila Mayor Elect Honey Lacuna, nag-ikot sa buong lungsod para pasalamatan ang bawat Manileño

114

Nagkasa ng motorcade si Manila Mayor Elect Honey Lacuna-Pangan para salamatan ang mga residente sa lungsod.

Ito’y dahil sa suportang ibinigay sa kaniya kaya nakuha ang panalo sa 2022 elections.

Kasama ni Lacuna ang kaniyang ka-tandem na si Vice Mayor Elect Yul Servo.


 

Nais ng kauna-unahamg babaeng alkalde ng Maynila na ipakita sa bawat Manileño ang taos pusong pasasalamat kung saan hangad rin niya na magkaisa ang lahat upang maipagpatuloy ang magagandang gawain sa lungsod ng Maynila.

Umaasa rin siya na hindi mawawala mag suporta ng mga empleyado ng Manila City Hall para magawa nila ng maayos ang kanilang trabaho at mapaunlad pa ang mga proyekto na kanilang inilatag.

Matatandaan na maging ang mga nakatunggali ni Lacuna ay tinatawagan niya ng pansin na sumuporta at tumulong na rin sa mga program ng lokal na pamahalaan ng Maynila.



Facebook Comments