Claudia Baretto, nagtapos sa sekondarya ng may parangal

Nagtapos na sa kanyang pag-aaral sa sekondarya si Claudia Barretto sa Everest Academy Manila noong June 4.
Naging emosyonal ang kaniyang ina na si Marjorie Baretto habang pinapanood niya ang anak sa pagtanggap ng diploma nito.
Nagpost si Marjorie ng larawan ng anak sa Instagram na may caption na “Congratulations to my Claudia, my silver academic awardee”. Ayon pa kay Marjorie “Binigyan mo ako ng bagay na maipagmamalaki at saya” at sinabi rin niya sa anak ang kaniyang pagmamahal at suporta saan mang aspeto ng buhay.
Nakita sa video na ang kukuhaning kurso ni Claudia ay Business Management sa Ateneo De Manila University.

Facebook Comments