Claudine Baretto, nagbigay suporta sa kaniyang "sister" na si Kris Aquino

Ngayong maraming kontrobersiya ang kinasasangkutan ni Kris kabilang na ang pagtabo sa takilya ng pelikulang I Love You, Hater kung saan kasama niya ang love-team nila Julia Barretto at Joshua Garcia.


Kahapon ay nagpaabot ng mensahe si Claudine Barretto sa kaniyang “sister” na si Kris sa Instagram. Sabi niya, “I may always be on the sideline but loving and supporting you from afar”. Sinabi rin ni Claudine na si Kris ay yung taong sobrang saya sa tagumpay ng mga taong nakapaligid sa kaniya kahit napapanood o naririnig lang niya. Nasasaktan din daw siya kapag nakikita niyang tinatraydor si Kris ng mga taong tinuring niyang pamilya. Ngayon ay makikita na raw niya ang kahalagahan ng tunay na kaibigan at pamilya.
Sumagot kaagad si Kris sa post ni Claudine. ” Clau- this means the world to me.” Dagdag pa ni Kris, hindi na raw kailangan malaman ng lahat ang pinagsamahan nila. 12 years ago ay nagkasama sila at naging “sisters” sa pelikulang Sukob. Isa ito sa highest-grossing films sa Pilipinas hanggang ngayon. Doon nabuo ang kanilang pagiging magkaibigan at nanatili raw iyon hanggang ngayon at hindi na niya kailangang gawin pa ang pagtatanggol sa kaniya. Lubos itong ipinagpasalamat ni Kris at sinagot siya ni Claudine ng, “Awww. I luv u so much”.
Nagkasama muli sila noong 2015 sa pelikulang Etiquette for Mistresses kasama sina Kim Chiu, Iza Calzado, at Cheena Crab.


Facebook Comments