Pito katao timbog ng PDEA, PNP at Army sa Wao Lanao Sur

Pito katao ang nahuli kahapon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-ARMM, 34TH IB, SAF, at WAO PNP matapos na magsagawa ng Law Enforcement at Drug operation kahapong pasado alas tres ng madaling araw sa purok 6 barangay East Kili-Kili Wao Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga nahuli na sina, Abdul Batong-Gara, Olomodin Tubigan, Panarangin Tangorak, Ismael Antar, Baisan Ali, Casanor Balangitao at Ogay Mundas..
Nakuha sa kanilang posisyon ang labing tatlong sachet ng shabu na may timbang na 75 grams na may street value na 250,000 pesos.Ang pito ay nakapiit nasa WAO MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments