Claudine Baretto, tinawag na pinakabagong “Rico-Claudine tandem” ng bansa sina “KathNiel”

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kasiyahan ang aktres na si Claudine Baretto matapos mapanuod ang pelikulang *Can’t Help Falling Inlove* ng magloveteam na sina Teen Queen Kathrine Bernardo at Teen King Daniel Padilla.

Ayon kay Claudine, nakikita niya sa KathNiel ang naging tambalan nila noon ng namayapang aktor na si rico yan.

Nagpost ang aktres sa kanyang instagram account ng pagbati sa success sa naturang pelikula ng dalawa.


Matatandaang pumatok ang tambalang Rico-Claudine sa mga palabas na *Mula **Sa Puso *noong 1997, *Saan Ka Man Naroroon* noong 1999 at ang pelikula nagpakilig sa sambayanan noong 2002 na *Got To Believe*.

Samantala, umabot na s a 100 million pesos ang kita ng naturang pelikula ng KathNiel sa takilya.
Nation

Facebook Comments