Boston Celtics, nakabawi sa game 3 kontra Chicago Bulls sa Eastern Conference Playoffs; Los Angeles Clippers at Utah Jazz, kasalukuyang naghaharap sa Western Conference Playoffs

NBA – Nasungkit ng Boston Celtics ang panalo sa Game-3 kontra Chicago Bulls sa first round ng Eastern Conference Playoffs sa NBA.

Nanalo ang Boston sa score na 104-87 kung saan nanguna sa panalo si Al Horford na may 18-points habang nag-ambag naman si Isaiah Thomas ng 16-points.

Sa postgame interview kay Celtics Coach Brad Stevens, matinding depensa ang ipinakita ng kaniyang mga players dahilan para magkamit ng 18-turnovers ang Chicago sa nasabing laban.


Sa April 24 naman ang Game-4 na gaganapin pa rin sa Home court ng Chicago.

Samantala, nakabawi naman ang Oklahoma City Thunder kontra Houston Rockets sa Game-3 ng kanilang serye sa score na 115-113.
Kasalukuyan naman naglalaro ang Los Angeles Clippers at Utah Jazz sa Game-3 ng Western Conference Playoffs.
Nation

Facebook Comments