Claudine Barreto, ikinatuwa ang bonding moment kasama si Gretchen

Thankful at happy daw ngayon ang aktres na si Claudine Barreto na maka-bonding ang sister na si Gretchen.

Nangyari ang bonding moment ng dalawa sa isang restaurant sa Pasay City kung saan kasama ni Claudine ang mga anak na sina Sabina, Santino at Quia para maka-kwentuhan ang kanilang tita Gretch.

Mismong si Claudine ang nag-post ng video ng kasiyahan nila ng kaniyang ate sa Instagram at marami sa kani-kanilang fans ang natuwa sa pangyayari.


Matatandaan na taong 2013 nung nagkaroon ng alitan ang dalawa at makalipas ang apat na taon ay nagkaroon sila ng reconciliation pero nagkaroon sila ng misunderstanding nitong December 2018 dahil sa isyu naman kay Kris Aquino.

Facebook Comments