Claudine Barreto, thankful sa pag-aalaga sa kanya ni Gretchen

196

Thankful ngayon ang aktres na si Claudine Barretto sa kaniyang ate na si Gretchen dahil sa pag-aalaga nito sa kaniya habang naka-confine sa ospital.

Sa Instagram post ni Claudine, sinamahan at binatayan siya ng kaniyang ate Gretchen kung saan nanatili siya pansamantala sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.

Say pa ni Claudine, happy siya dahil sa pag-aalaga ng kapatid at bukod dito, binigyan siya ni Gretchen ng malaking squirrel-looking pillow bago sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging (MRI).

Maliban dito, sinabi pa ni Claudine na isa siyang ‘spoiled little sister’ dahil sa mga ipinadalang pagkain ng kaniyang ate.

Facebook Comments