Claudine Barretto, humingi ng gabay kay Rico Yan

(LEFT) Poster from Star Cinema (RIGHT) Screenshot captured from Claudine's video on IG

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbisita ni Claudine Barretto sa puntod ng dating nobyo at matinee idol na si Rico Yan.

Sa bidyong ibinahagi ng aktres sa Instagram, Miyerkules ng gabi, makikitang umiiyak at nagdadasal si Claudine sa nitso ng noo’y katambal.

 

View this post on Instagram

 

Rico pls help me.take care of Daddy🙏🙏🙏🙏

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


 “Rico pls help me. take care of Daddy,” pahayag ni Claudine.

Isa sa mga pinakasikat na love team noong dekada ’90 ang tambalang Rico at Claudine. Pinagbidahan nila ang mga teleseryeng “Mula Sa Puso” (1997-1999) at “Saan Ka Man Naroroon (1999-2000).
Tumabo din sa takilya ang pelikula nilang “Radio Romance”, “Mula Sa Puso The Movie”, “Dahil Mahal na Mahal Kita” at “Got 2 Believe”.
Nagulantang ang publiko sa biglaang pagpanaw ng aktor noong Marso 29, 2002 habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Island Resort, sa Puerto Princesa, Palawan.
Batay sa autopsy report, acute hemorrhagic pancreatitis ang ikinamatay ni Rico.
Facebook Comments