Lalaki na may Kasong Pagnanakaw, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na may kasong pagnanakaw matapos isilbi ng mga otoridad ang kanyang mandamiento de aresto sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela kahapon.

Kinilala ang akusado na si Jerome Foronda, 30 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.

Nahuli si Foronda sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce, ng RTC Br.40, Cauayan City sa kasong apat na beses ng Qualified Theft sa ilalim ng criminal case # 40-12577 hanggang 12580.


Inirekomenda naman ng korte ang P112,000.00 na halaga ng kanyang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado.

Facebook Comments