Claudine Barretto, sumadya sa NBI matapos ma-bash ang kanyang adopted daughter

Showbiz – Dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktres na si Claudine Barretto matapos ma-bash ang kanyang adopted daughter sa social media.

Kwento ng aktres, nagpost sa instagram ng maanghang na komento ang basher na si Peggy Enriquez sa kanyang anak na si Quia na ‘batang lansangan’ at ‘pangit’.

Umaasa si Claudine na maaksyunan agad ng nbi ang kanyang reklamo.


Posibleng maharap sa kasong paglabag sa anti-violence against women and children act, child abuse, exploitation and discrimination act ang suspek.

Facebook Comments