Claudine na-aksidente matapos mawalan ng malay dulot ng ‘super low blood’

Naging mabilis ang pagsugod ni Claudine Barreto sa ospital dulot ng aksidenteng inabot niya matapos na mahulog sa hagdan kasunod ng pagkawala ng malay sanhi ng ‘super low blood.’
Nangyari ang aksidente nitong sabado.
Kinumpirma niya ito sa kanyang instagram post at sinabing,
“Hay naku back to the ER. Had an accident. I slipped & fell down the stairs. Super low blood my Palanggas I fainted & fell.”


Sinundan niya rin ito ng pasasalamat para sa kanyang mga taga-suporta na nag-dasal para sa kanya.
Aniya, “Thank you so much for all your messages & prayers. I’m so touched. I wish I could thank each & everyone of u & thank u sa comments niyo. But please know I am so grateful & feel so blessed by all of u.”
Ibinahagi pa niya na matapos linisin ang kanyang mga sugat ay nakipag-kita siya sa dalawang kaibigan na sina Jana Victoria, at Tina Yan na kapatid naman ng dating nobyong si Rico Yan.
“God bless each & everyone of u & ur families. Thank u mga Palanggas ko. I luv u all.”


Facebook Comments