Tulak ng Droga sa Tuguegarao City, Patay sa Buy Bust Operation!

*TUGUEGARAO City- *Patay ang isang tulak ng droga matapos manlaban sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad makaraang gabi sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Roman Canapi, nasa tamang edad at residente ng Solana, Cagayan.

Sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan, nagsagawa ng Drug Buy Bust operation ang mga kasapi ng PNP Tuguegarao City katuwang ang iba pang mga otoridad malapit sa Centro 10, Tuguegarao City kay Roman Canapi.


Nang matapos ang transaksyon ay nilapitan umano siya ng mga otoridad upang pasukuin subalit binaril umano ni Canapi ang police poseur buyer na agad namang dumipensa na ikinasawi ni Canapi.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at dalawang piraso ng tig limang daang piso bilang marked money habang narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre trentay otsong baril na may kasamang tatlong bala at iba’t-ibang uri ng fire cartridge.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Facebook Comments