Clean-up drive ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Manila Bay, inulan ng batikos

Manila, Philippines – Inulan ng batikos ang ginawang clean-up drive ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Manila Bay.

Sa nag-viral na video sa social media, makikitang itinapon ng isang empleyado ng lungsod ang isang sako ng basura sa dagat.

Inilapit pa ang mga basura malapit sa bangkang sinasakyan ni Mayor Joseph Estrada na siya namang kumuha nito gamit ang isang net.


Paliwanag ng hindi na pinangalanang babae, ginawa nila ito para sa isang photo opportunity.

Inamin naman ng alkalde na publicity lang ang pagtatapon sa basura pero iginiit na seryoso sila sa paglilinis ng Manila Bay.

Facebook Comments