Cauayan City, Isabela – Pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue ay ang clean up drive sa mga barangay ng Cauayan City.
Ito ang tinuran ni Miss Michelle Calacien, ang Sanitation Inspector 1 ng Cauayan City Sanitation Section ng City Health Office 1 kaugnay sa naitalang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod ng Cauayan.
Aniya, kinakailangan umano ang madalas at tamang clean up drive sa mga barangay lalo na sa may mataas na kaso ng dengue upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng nakakamatay na sakit na dengue.
Dahil ayon pa kay Miss Calacien, kung hindi tama at minsan lamang ang paglilinis sa mga paligid lalo na sa mga binabahayan at pinangingitlugan ng lamok o sa mga may stagnant water ay hindi rin maibsan ang pagdami ng sakit na dengue sa isang lugar.
Paliwanag pa ni Calacien na kahit umano magsagawa ng fagging ang Sanitary sa mga barangay na nagsagawa na kanilang clean up drive ay mababalewala umano ito kung hindi rin maayos ang ginawang paglilinis.
Giit pa ni Calacien na may kooperasyon naman umano ang lahat ng barangay dito sa lungsod kaugnay sa clean up drive dahil sa may tauhan naman umano ang naturang tanggapan na tumitingin dito.
Kaugnay pa nito, prevention o pagpigil umano ang tanging tungkulin ng Sanitary Section hinggil sa sakit na dengue at ito ay ang pagsasagawa ng information dissemination ng clean up drive at fagging spray sa mga barangay.
Matatandaan na sa ginanap na dengue summit kamakailan ay inihayag na nasa pang-apat na munisipalidad ang Cauayan na mayroon itong dengue cases na 226 at ang barangay na may pinakamaraming bilang sa sakit na dengue ay ang San Fermin na mayroong 40 na kaso ng sakit na dengue ang naitala simula sa buwan ng January hanggang November 2018.