Manila, Philippines – Sinuyod ng pinagsamang pwersa ng pribadong sector at pamahalaan ang Estero de Balete bilang bahagi at pagpapatuloy ng Manila Bay clean-up ng gobyerno.
Ayon kay Allan Sta. Ines, team leader mula sa DENR kada Huwebes ng Pebrero ay pinapasadahan nila ang nasabing estero para linisin.
Sa ngayon ay papalo sa tatlumpung katao ang miyembro ng kanilang team na binubuo ng mga representante mula sa DPWH, DENR, barangay at SM Mall.
Paliwanag ni Sta. Ines malaki na ang pinagbago ng mga nakukuha nilang basura mula sa Estero de Balete kung saan mula sa sangkatutak na solid waste ay pawang mga dahon at sanga na lamang ng puno ang kanilang nalilinis ngayon.
Dagdag pa ni Sta. Ines matapos ang huling Huwebes sa susunod na linggo ay tutungo naman sila sa ibang estero para linisin.