Cleansing sa 4P’s beneficiaries sa ARMM nagpapatuloy

Mahigit na sa isang libong benificiries ng 4P’s sa ARMM ang nagbalik na ng kanilang ID card dahil silay mga kawani ng gobyerno na datiy nakinabang sa programang Pantawid Pamilya Pilipinong Program.
Sa panayam ng DXMY RMN Cotabato kay DSWD-ARMM Secretary at ARMM Executive secretary Atty.Laisa Alamia, na natutuwa siya dahil nagbunga na ang kanilang cleansing na ginagawa sa listahan ng 4P’s benificiaries sa rehiyon, Anya kusang tinurn-over sa kanilang opisina ang mga cards, ng mga guro, pulis, sundalo at meron pang empleyado ng DSWD.
Pansamantalang hindi muna kinilala ni Sec.Alamia ang mga nagwithdaw ng kanilang card habang nagpapatuloy parin ang paglilinis nila ng mga pangalan.

Facebook Comments