Dalawang Lalaki Sugatan sa Aksidente!

Cauayan City, Isabela – Sugatan ang dalawang lalaki matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela pasado alas onse ng gabi, April 4,2018.
Kinasangkutan ng nasabing insidente ang isang Honda TMX 155 na minamaneho ni Raymund Asirit, bente kwatro anyos, binata at residente ng Barangay Surcoc, Naguilian, Isabela. Samantala ang kaparehong motor ay minamaneho ni Paulo Palanggao Francisco, 49 anyos at residente ng Dumirit, Cauayan City.
Sa isinagawang pagsisisyast ng kapulisan, hindi umano nagbigayan ng daan ang dalawang motor kung kaya’t nagsalpukan ang mga ito.
Ayon sa pahayag ni Police Senior Inspector Randy Joseph Carbonel ng PNP Cauayan, nagmula umano sa magkabilaang direksyon ang dalawa at pagdating sa intersection ng Cabaruan ay hindi na nakapagbigayan agad ng daan sina Asirit at Francisco.
Sa resulta, nagtamo ng sigat ang dalawa sa kanilang katawan na kaagad namang itinakbo ng Rescue 922 sa isang pagamutan para sa karampatang lunas.
Samantala, nagkaayos o nagkaaregluhan sina Asirit at Francisco dahil pareho naman umano na may pagkakamali ang magkabilang panig at sa kabila na ang isa ay nasa impluwensya ng alak.

Facebook Comments