Clear pumpkin pie, inilbas ngayon ng isang kilalang restaurant sa Chicago, Illinois

Amerika – Isang restaurant ang naglabas ngayon ng kakaibang pagkain na siguradong papatok ngayong Halloween.

Ipinagmamalaki ng Alinea Restaurant na matatagpuan sa Chicago Illinois ang kanilang “clear pumpkin pie.”

Ayon sa chef nito na si Simon Davies, kakaiba at unique ang kanilang pie pero hindi nito idinetalye kung paano ang paggawa basta’t mayroong lang daw itong ingredients na pumpkin, cinnamon, ginger at clove na may whipped cream on top.


Sinasabing limited edition lang ang celar pumpkin pie kung saan hanggang first of November na lamang ito mabibili subalit ayaw naman ilabas ng may–ari ang presyo nito para may dahilan daw ang mga customer na bisitahin ang kanilang restaurant.

Facebook Comments