Clearances ng unang batch ng Pinoy repatriates mula China, pinaplantsa na ng DFA

Pino-proseso na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpapauwi sa unang  batch ng Filipino repatriates mula sa China.

Kabilang dito ang clearances gaya ng immigration clearances, quarantine process, at iba pa.

Prayoridad sa repatriation ang mga Pinoy mula sa Wuhan City at ilan pang bahagi ng Hubei Province.


Pinapayuhan ng DFA ang mga nais sumama sa unang batch ng repatriation na magtungo lamang sa Philippine Embassy sa Beijing o sa pinakamalapit na Consulate General sa kanilang lugar sa Lunes, February 3, 2020.

Pagdating sa Pilipinas, otomatikong isasailalim sa labing-apat na araw na quarantine ang Filipino repatriates mula sa China, alinsunod na rin sa panuntunan ng Department of Health o DOH.

Facebook Comments