Ninakaw na Projector sa Surigao City Pilot School na-recover ng PNP

Ninakaw na Projector sa Surigao City Pilot School na-recover ng PNP Na-recover ng mga otoridad ang ninakaw na projector sa Surigao City Pilot School, Ito’y matapos mahuli ang suspek na ibinebenta na sana ang item. Kinilala ang suspek na si Mark Vincent Tambong Estrella, 18 taong gulang, out of youth. Ayon kay Atty. Salvador Acedilla, ang dating School Principal at Supervisor ng Dept. of Education, noong Hulyo pa ninakaw ang projector at mabuti na lamang na na-recover pa. Diumano’y binili ng P36,000 ang projector sa pamamagitan ng Zumba for a Cause ng Parents-Teachers Association. Tinukoy naman ng bagong Principal na si Felix Bagnol na malaking tulong ang pagkakasauli sa projector lalo na’t gamit na gamit ito sa iba’t ibang aktibidad. Dagdag pa nito, mas paiigtingin pa nila ang seguridad sa paaralan nang hindi na makapagnakaw ang mga suspek.

Facebook Comments