Manila, Philippines – Magsasagawa ng clearing operations ang pinagsanib na pwersa ng Manila Task Force Cleanup and Department of Public Services katuwang ang Manila City Health Dept., City Engineering, Manila Traffic Parking Bureau at Station 4 ng MPD ang tinatawag na hepa lane Morayta sa Sampalok Manila.
Ayon kay Manila Public Information Office Spokesman Bambi Purisima ang naturang operasyon ay bunsod na rin ng mga reklamo na maraming mga amulant vendor ang nagtitinda sa malapit sa mga unibersidad partikular na sa university belt area.
Paliwanag ni Purisima delikado sa mga estudyante na bumibili ng mga pagkain sa mga street vendors dahil hindi tiyak na malinis ang tinitinda nilang pagkain.
Posible umanong magkasakit ng hepatitis ang mga estudyante na bumibili ng pagkain sa mga ambulant vendors kayat mahigpit ang kanilang paalala na huwag basta bumili sa mga street food dahil hindi nito tiyak kung papaano inihahanda at niluluto ang kanilang mga tintindang pagkain.