CLEARING OPERATIONS | MMDA nagsagawa ng clearing operations sa Makati

73

Makati City – Personal na pinangasiwaan ni MMDA Chairman Danny Lim ang clearing operations sa Barangay Comembo sa Makati City.

Sinuyod ng MMDA Task Force Special Operations ang JP. Rizal Extension, partikular ang palengke ng Comembo.

Pinagbabaklas ang mga nakalawit na tarpaulin, pinaalis ang mga paninda na sumakop na sa bangketa.

Kanya kanya naman hakot at salba ng kani-kanilang paninda ang mga vendor sa palengke ng Comembo.

Sinabi ni MMDA GM Jojo Garcia, perwisyo na ang mga illegal vendors dahil nakahambalang na sila sa kalsada.

Sa ngayon, pinakiusapan muna ang mga vendors dahil sa susunod na pagbalik ng MMDA ay kanila na itong kukupiskahin.

Kasama din sa operasyon ang team mula sa Makati Action Center at officials mula sa Makati at Pateros LGUs.

Facebook Comments