UMAASA | Sen. Gatchalian, umaasang mahihinto na ang isinusulong na no-el

76

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Win Gatchalian na mahihinto na ang pagsusulong na maharang ang 2019 Senatorial at Local Elections.

Pahayag ito ni Senator Gatchalian matapos mahirang si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo bilang bagong house speaker.

Bukod dito ay inaasahan din ni Gatchalian na higit na tututukan ng Kamara ang mas malinaw na mga plano para sa ating ekonomiya.

Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil isang ekonomista si Congresswoman Arroyo.

Facebook Comments