Clearing operations ng militar sa Marawi city, pahirapan!

Sa panayam ng RMN-Cotabato kay *Joint Task force Marawi Spokesperson Army Capt. Joan Petinglay, sinabi n’ya na ang clearing operation ay nakatuon ngayon sa silangang bahagi ng lungsod, maliit ang lugar, ito kasi ang sentro ng kalakal ng lungsod at naroon ang malalaki at magkakadikit-dikit na gusali kaya pahirapan ang pagpasok doon ng tropa lalo pa’t may mga hawak na hostages ang teroristang grupo, nagkalat din ang snipers ng kalaban maliban pa sa IEDs na itinanim ng mga ito.*
* Sinabi pa ni Capt. Petinglay na nasa mahigit kumulang 50 terorista ang nasa area at kasing dami nila ang hostages.*
* “Nagkukubli sa mga mosque na may underground ang mga tinutugis dala ang kanilang mga bihag, hindi maaring bombahin ang mga mosque kaya isang malaking hamon ngayon sa tropa ng pamahalaan kung paano ma-neutralize ang mga terorista.”*
* Sinabi pa ni Capt. Petinglay na malabong matatapos ang krisis sa Marawi city ngayong buwan ng Agosto.*
* May mga bihag anya ang mga terorista na dapat ay isaalang-alang din ang kaligtasan.*
* “Kung nanaisin lamang, mas madali na ngayong malipol ang kalaban ngunit kailangan ding ikonsidera ang kaligtasan ng hostages”, ayon pa kay Capt. Petinglay.* Eksaktong 94 na araw na ngayon ang krisis sa Marawi city.
(DAISY MANGOD-REMOGAT)

Facebook Comments