Outgoing BOC Commissioner Nicanor Faeldon, bumwelta sa privilege speech ni Sen. Ping Lacson

Manila, Philippines – Ibinulgar ni outgoing BOC Commissioner Nicanor Faeldon na planong suhulan ng anak ni Senator Panfilo Lacson ang staff ni Faeldon.

Sa ginawang Presscon ni Faeldon sa Taytay Rizal sinabi ng resign BOC Commissioner na tatlong beses pumunta ang anak ni Lacson na si Panfilo Lacson Jr. una sa Iloilo, sumunod sa General Santos at pangatlo sa Iloilo para palusutin ang 13 libong metriko tonelada ng semento na nagkakahalaga ng 306 milyong piso sa tatlong barko.

Hinamon din ni Faeldon na patunayan na hindi smuggler ng semento ang kanyang anak na si Bon Diorno ang number 1 smugglers ng semento base sa nakalap niyang mga dokumento.


Aminado din si Faeldon na mayroon nagtangkang suhulan siya sa pamamagitan ng text sa halagang 300 libong piso at hindi 100 milyong pisong gaya ng privilege speech ni Senador Ping Lacson.

Giit ni Faeldon dapat sa bagong uupong BOC Commissioner na imbestigahan din ang kanyang mga expose na kasabwat ang anak ni Senador Ping Lacson.

Facebook Comments