Clearing Operations sa Lungsod ng Tuguegarao, Sinimulan na!

*Tuguegarao City- *Alinsunod sa tagubilin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay matagumpay na isinagawa ang Clearing operations sa Lungsod ng Tuguegarao ngayong araw ng Sabado, Agosto 3, 2019.

Tinutukan mismo ng 98.5 Ifm Cauayan ang ginawang paglilinis at pagtatanggal ng mga awtoridad sa mga nakahambalang na mga sasakyan at gamit ng ilang residente.

Hindi rin pinalagpas ng mga operatiba sa kanilang clearing operations ang mga nakahambalang na sasakyan ng mga kawani ng gobyerno.


Habang ang ilan naman sa mga tricycle at mga sasakyan ay binigyan ng Citation Ticket dahil sa hindi pagsunod sa batas.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/CPT Sharon Malilin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, wala aniya silang sinasanto sa pagtanggal sa mga nakaharang na mga sasakyan at anumang bagay sa kalsada alinsunod na rin sa tagubilin ng DILG Memorandum Circular 2019-121.

Ang nasabing Clearing Operation ay pagtalima sa ibinabang tagubilin ni President Rodrigo Roa Duterte noong araw ng kanyang State of the Nation Address na tanggalin at linisin ang mga nakaharang o nakakaabalang mga bagay o sasakyan.

Ayon kay Cagayan Police Provincial Director na si Police Colonel Ignacio Cumigad, hindi aniya ningas kugon ang nasabing Clearing Operation dahil masusi itong pinag-aralan at plinano kasama ang LGU at Tuguegarao City Traffic Management Group (TCTMG) upang mapanatili ang maayos na pag papatupad ng batas.

Tiniyak rin ni PD Cumigad na patuloy lamang ang kanilang Clearing Operation sa Lungsod hanggang sa maisaayos ang mga lansangan.

Facebook Comments