Clearing operations sa Marawi, matagal-tagal pa! Pitong daang gusali, nakapila!

Marawi City – Anim hanggang pitong raang mga gusali ang kailangan pang i-clear ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia ng joint task Force Marawi nitong nakalipas na linggo ay mayroon silang 800 mga gusali na natukoy na kailangang i-clear.

Pero nabawasan na ito ng isang daan, kaya nasa 600 hanggang 700 buildings pa ngayon ang focus ng clearing operation.


Hindi naman matukoy ni Garcia kung ang nasa 700 gusaling ito ay may presensya pa ng Maute Terror Group.

Facebook Comments