Clearing ops sa Quezon City sinimulan ngayong linggo

Image via Quezon City Public Affairs Department Facebook page

Tila pareho ang layunin ng mga bagong alkalde sa Metro Manila – maging maayos at mapayapa ang kinasasakupang lugar.

Maging si Quezon City Mayor Joy Belmonte, inutos na rin isagawa ang clearing operations sa ilang bahagi ng siyudad ngayong linggo.

Kanina, nilinis ang mga kalsada at pinaalis ang mga illegal vendors sa harap at likod ng Balintawak Market.


Kinuha din ng Quezon City Environmental Protection and Waste Management Department sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga basurang nakatambak sa gilid nito.

Hinila rin ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nagsimula ang clearing operations pasado alas-kuwarto ng umaga at mapayapang natapos ng awtoridad.

Kahapon, nilinis rin ang kahabaan ng East Avenue at mga katabing kalye. Nasa 14 kotse ang na-tow ng mga operatiba.

Nagkaroon din ng “Oplan Baklas” sa Tomas Morato at Scout Tuazon.

Ayon sa Department of Public and Order Safety ng siyudad, maging araw-araw ang clearing operations sa mga pampublikong lugar at kalsada.

Facebook Comments