Lalaki, nagsuot ng 15 layers ng damit kaysa magbayad ng excess baggage fee

Screenshot via Josh Irvine on Twitter

Isang lalaki ang nagsuot ng 15 patong ng damit dahil sa lagpas na ito sa limit ng excess baggage sa kanilang flight pabalik ng Edinburgh.

Galing ang pamilya ni John Irvinr Glasgow, 46, sa isang holiday trip at nag-shopping ng mga damit kaya lumagpas ang kanilang check-in baggage ayon sa kaniyang anak na si Josh, 17.


Ibinahagi ni Josh Irvine sa Snapchat ang video kung saan isinuot ng ama ang mga nabiling sweater at t-shirts kaysa magbayad ng fee sa extra luggage.

Ang surcharge ay nagkakahalagang $84 o P4,300. Nagbahagi naman ng sariling karanasan ang mga netizen at nagbigay din ng payo.

Ayon sa komento ni @McKinnzz88, “That’s madness cause technically the weight will still be on the plane cause your daddy’s wearing it which proves limiting suitcase weight is a scam.”

Sa kasalukuyan, ang tweet ni Josh ay mayroong 4,300 rewteets, 370 replies at 35,000 likes.

Facebook Comments