Clerk ng Valenzuela RTC, dinismis sa serbisyo ng SC

Ipinag utos ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang agarang pagsibak sa serbisyo ng isang empleyado ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270.

Sa 9 na pahinang desisyon ng Supreme Court en banc, napatunayang guilty si Honorio Raul Guevarra, Clerk III ng Branch 270 sa patong patong na reklamo na itinuturing ng Hudikatura na isang kahihiyan kaya nararapat siyang tanggalin sa serbisyo.

Kabilang sa mga reklamo laban sa clerk ng Valenzuela RTC ay ang gross neglect of duty, gross insubordination, gross inefficiency and incompetence in the performance of official duties


Napag alaman na ang akusado ay nabigyan ng gradong unsatisfactory sa performance mula July 2014 hanggang June 2015 at ilang ulit na hindi sumunod sa mga utos ng hukom .

Bukod dito nauna nang inalis si Guevarra bilang in charge sa mga kasong kriminal na hawak ng branch 270  nang matuklasan ang pagkawala ng records ng korte na nasa pangangalaga nito,

Bukod sa pagsibak sa tungkulin, iniutos rin ng Korte Suprema ang pagbawi sa lahat ng benepisyo ng akusado maliban sa naipong leave .

Diskwalipikado na rin siya  sa alinmang tanggapan ng pamahalaan at korporasyong pag aari ng gobyerno.

Facebook Comments