Clerk of court sa Misamis Oriental at asawa nito, nakunan ng 140-thousand pesos na halaga ng shabu

*Umabot sa 140-thousand pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska **mula sa bahay ng isang Clerk of Court sa Manticao, Misamis Oriental at asawa nito kahapon.*
*Ang mga suspek ay sina Lou Laranjo, clerk of court ng 10th Municipal Circuit Trial Court sa nasabing lugar at asawa nitong si Graal Laranjo na isang government employee rin.*
*Gamit ang **search warrant nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 10 at Naawan PNP mula sa bahay ng mag-asawang Laranjo sa Poblacion, Naawan, Misamis Oriental ang anim na sachet ng shabu.*
*Ayon kay PDEA Agent JM Gomez na isa sa pinakamalaking supplier ng druga sa Naawan si Laranjo na kumukuha ng kaniyang supply sa Iligan City.*
*Dahil dito, mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o illegal position of drugs ang mag-asawang suspek.*
*By: Annaliza Amontos-Reyes *

Facebook Comments