Dalawang testigo sa pagkamatay ni UST student Horacio Castillo III , lumapit sa DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Dept. of Justice na may dalawa nang testigo ang lumapit sa kanila para magbigay ng impormasyon hinggil sa pagkamatay sa hazing ni UST Law student Horacio Castillo III.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nag-iwan ng contact number ang dalawang testigo para madali silang matawagan ng DOJ at ng NBI.

Hindi naman pinangalanan ni Aguirre ang dalawang testigo at hindi rin binanggit kung mga miyembro sila ng Aegis Juris Fraternity na nagsagawa ng initiation rites kay Castillo.


Kanina nagbukas na ang DOJ ng hotline para sa mga testigong makikipagtulungan sa imbestigasyon.

Tiniyak din ni Aguirre na bibigyan nila ng protection sa ilalim ng Witness Protection Program ang mga lulutang at magsasabi ng nalalaman sa pagkamatay ni Castillo.

Facebook Comments